Wednesday, November 03, 2004

Sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, pati pag se-salesman ng vacuum cleaner ay pinasok ko na. Minsan, pumunta ako sa isang bahay sa isang barangay. Kumatok ako sa pinto, isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago pa nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. Mabilis akong pumasok papunta sa sala nila para di na makatanggi sa presentation ko. Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng sm at ibinuhos lahat ng lamang tae ng kalabaw sa carpet. This was a technique taught to me in selling to get a massive and immediate attention from the buyer.

Sabi ko sa kanya w/ confidence: "Misis, pag di
nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga
tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa yan!",
ang mayabang na sinambit ko.

"Gusto mo ng ketsup para diyan?", tanong ng babae.

Sabi ko, "Bakit po?"

"Eh, kalilipat lang namin. wala pa kaming kuryente."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home